Tula alay kay Gloria

Kamusta? Sa wakas ay muli na akong nakabalik sa pagbo-blog matapos ang 6 na araw na ‘sick leave’ dahil sa trangkaso. Ngayong medyo magaling na ako at nakakatagal na ng mahigit isang oras sa harap ng computer ng hindi nahihilo ay balik blogging na uli ako. ๐Ÿ˜€

At para sa magandang pagbabalik-blogging, isang pahabol sa SONA ni GMA kahapon, inihahandog ko sa inyo ang isang tula na sinulat ni G Yuri Cipriano, isang makata, guro at Pilipino mula sa Pamantasang De La Salle Dasmariรฑas.

LITANYA SA SONA 2006

Buti na lang at may dumating
na Wonder Gloria, ekonomistang
sa pamamahala ay dalubhasa.
Lubog na ekonomiya kanyang
iniangat, sambayanang baon sa
hirap, nakaramdam ng ginhawa.

Utang panlabas, nababayaran
fiscal crisis ay nalulunasan.
Pinataas ang sahod, bilihin ay
pinamura. Lahat ay may trabaho,
kayaโ€™t ang pangingibang bayan
ay hindi na kinakailangan pa.

Naipagawa ang mga tulay, mga
kalsada, mga daan ng tren, mga
daungan, at pati na mga paliparan.
Pumasok ang negosyo, lumago
ang turismo, bumaba ang piso
at nalaos ang komunismo.

Mga gusaling pampaaralan ay
naitayo. Mga batang mag-aaral
ay hindi na nagsisiksikan.
Sapat ang badyet sa pangkalusugan
pati na sa serbisyong panlipunan.
Abang mahihirap ay nababawasan.

Ngunit bago ipalakpak ang palad
na walang pera. Mapaniwalang
Pilipino ay magisip-isip ka muna.
Tingnan ang bulsa damhin ang
sikmura, ang mga kaunlarang bina-
banggit, para sa iyo ay totoo ba?

——-
Yuri D. Cipriano
Ika-24 ng Hulyo 2006

Nawa’y inyong kagiliwan ang tula at nanlilimos po ng puna ang manunulat. Huwag mahiyang ihayag ito sa ibaba ng entry na ito.

Have anything to add?

Loading Facebook Comments ...
Loading Disqus Comments ...

11 thoughts on “Tula alay kay Gloria

  1. sarap tulain..magaling pa nmn me bumigkas ng tula..

    pero d ako marunong gumawa ng tula..

    help nyo nmn me me gumawa ng tula

    title BULAKLAK.

    4 column at apat n stansa.. 12 na pantig

    thanks po san my tumulong s akin..

    09198249393

Have anything to add?

Read previous post:
Lessons learned from GMA

One of us mused that we should instead support GMA because everything she has been doing is right and correct....

Close