Subscribe now! Get the latest updates via RSS feed.

Bad cholesterol, very bad cholesterol

Nagtatalo ang mga inis, galit, pagkapoot laban sa aking mapang-unawa, rasyunal at pagiging kalmado na personalidad. Matagal-tagal din akong hindi nakapagsulat ng isang Tagalog na artikulo sa blog na ito, nangangahulugan na ang paksa rito ay isang isyu na malapit sa aking puso at mga paninindigan.

Nagsimula ang pagninilay na ito nang una kong nalaman sa blog ni Ederic, may isang balasubas, este kolumnista sa pahayagang Manila Standard Today na nagngangalang Malu Fernandez ang nagsulat tungkol sa paglilibot nya sa bansang Greece kamakailan, at kasama sa kanyang isinulat ang mga engkwentro nya sa mga kababayan nating OFW. Mula sa mga karanasang ito, isinulat niya ang kanyang mga obserbasyon tungkol sa mga OFWs na siyang pinagugatan ng pinakabagong usap-usapan sa blogosphere ngayon.

Sa aking unang akala, pulitiko o isang kampon ng pekeng Pangulo ang tinutukoy ni Ederic sa pambungad niya. Hindi pala pulitiko, at hindi rin kampon ng mandaraya sa eleksyon, kung hindi isang ka-uri niya.

Nakakalungkot hindi ba? Kung sino ang may impluwensya sa lipunan, kilala at may dunong ay siya pang makikitaan mo ng kasuklam-suklam na katangian.

Bakit kamo? Hihiramin ko ang mga bahagi ng kanyang kolum sa isang magasin na binigyang diin ni Schumey sa kanyang blog, at dito ay bibigyan ko ng reaksyon:

“However I forgot that the hub was in Dubai and the majority of OFWs (overseas Filipino workers) were stationed there. The duty-free shop was overrun with Filipino workers selling cell phones and perfume. Meanwhile, I wanted to slash my wrists at the thought of being trapped in a plane with all of them.”

“While I was on the plane (where the seats were too small I had bruises on my legs), my only consolation was the entertainment on the small flat screen in front of me. But it was busted, so I heaved a sigh, popped my sleeping pills and dozed off to the sounds of gum chewing and endless yelling of “HOY! Kumusta ka na? At taga saan ka? Domestic helper ka rin ba?” I thought I had died and God had sent me to my very own private hell.”

Anong mali sa pagkakaupo mo sa loob ng isang eroplano na maraming OFW na naghahanap buhay sa ibang bansa? Oo nga pala, ikaw nga pala ay maglilibot lang sa Greece, hindi sa Geenbelt, sa Greece.

Pero nagtataka ako, bakit gusto niyang maglaslas ng pulso? Bakit siya umiinom ng sleeping pills para lang makatulog? Bakit naman naapektuhan siya ng mga tunog ng pagnguya ng bubble gum o kaya ay ang pagkakamustahan ng mga Pilipino sa eroplano? At sa huli, bakit kaya naisipan niya na bibigyan siya ng Diyos ng sarili niyang impyerno?

Marahil dahil sa nagkaroon siya ng pangit na karanasan noong bata pa siya. O sadyang may sayad lang ang kanyang pag-iisip. Sino ang matinong tao na gustong maglaslas ng kanyang pulso? Sino ang nasa tamang kaisipan ang nangangailangan ng sleeping pills para lamang makatulog?

O siguro ay “insecure” lang siya dahil tila siya lang ang hindi binati ng kanyang kapwa Pilipino sa eroplano? Minsang napagusapan namin sa mga klase ko sa Sikolohiya na ang pagiging insecure ng isang babae sa kanyang sarili ay siyang nagdudulot ng kanyang pagkataba, labis na pagkataba. Nasabi ko ito dahil sinabi niyang pinagkasya lang niya ang kanyang sarili sa upuan ng eroplano upang makaupo.

Nabanggit ko rin naman ang pagiging labis na mataba, may ilang pagtingin dito na ang pagiging mataba ay simbolo ng kagahaman sa mga bagay-bagay.

Karaniwan ay pagkain (kaya matunog sa tenga niya ang bubble gum), pera (kaya naglilibot-libot na lang sa Greece), materyal na bagay (kaya mainit sa mata niya ang mga binebentang cellphones ng mga OFWs) attensyon (biruin mo ‘yun, nangangarap siya na bibigyan siya ng Diyos ng bukod na impyerno para lang sa kanya? O baka naman ganoon na siya talaga kataba?) o kasikatan, (kaya ipinagyayabang niya ang kanyang paglilibot sa Greece at pumasok siya sa pagiging manunulat o kolumnista)

“On my way back, I had to bravely take the economy flight once more. This time I had already resigned myself to being trapped like a sardine in a sardine can with all these OFWs smelling of AXE and Charlie cologne while my Jo Malone evaporated into thin air.”

Muli ay may mga bagay na ipinapagtaka ko. Bakit kailangan niyang maglakas loob na sumakay sa economy class? At bakit Jo Malone pa ang ginamit niyang pabango?

Siguro ay hindi na siya kasya o kulang na ang pera niya para sa First class. Pangalawa ay kahit makasakay pa siya sa First class at magpabango ng Jo Malone ay wala pa ring babati at mangangamusta sa kanya na kapwa Pilipino doon dahil walang nakakakilala sa kanya. Ako nga, sa totoo lang ay ngayon ko lang unang narinig ang kanyang pangalan, at isa pala siyang kolumnista. Paumanhin, kasi kapag wala akong natututunan sa isang kolumnista, hindi ko na binabasa muli ang kanyang mga kolum.

Hindi lang ako ang nagbigay pansin sa kanyang kolum. Maraming mambabasa ng magasin na iyon ay nakatanggap ng mga mensaheng nagsasabing may mali o hindi nila nagustuhan ang isinulat ng kolumnistang ito. Narito naman ang kanyang tugon;

“Just recently, I wrote a funny article in my magazine column and my friends thought it was hilarious. It was humorous and quite tongue-in-cheek, or at least I thought so, until the magazine got a few e-mails from people who didn’t get the meaning of my acerbic wit. The bottom line was just that I had offended the reader’s socioeconomic background. If any of these people actually read anything thicker then a magazine they would find it very funny. Most people don’t get the fact that they need bitches like me to shake up their world, otherwise their lives would be boring and mediocre. I obviously write for the a certain target audience and if what I write offends you, just stop reading.

Although it may sound elitist to you the fact is this country is built on the foundation of haves, have-nots and wannabes. One group will never get the culture of the other. Although I could mention that it is easier to understand someone who has a lower socioeconomic background that would entail a whole other page and frankly I don’t want to be someone to bridge the gap between socioeconomic classes. I leave that to the politicians in my family who believe they can actually help. Now I seriously ask you, am I being a diva or are people around me just lacking in common sense? Perhaps it’s a little of both!”

Tama rin naman siya, hindi talaga mabilis na magkakaunawaan ang mga tulad niyang burgis at elitista dahil para sa mga ito, ang mga nakakababang uri ay nariyan lamang upang kanilang pagsamantalahan at gawing kasangkapan sa kanilang pagpapayaman at patuloy na pamumuhay sa karanghiyaan. Ang mga tulad niyang magkakape lang ay gagastos pa ng mahigit 100-piso, yung mga kakain lang ng butas na tinapay ay gagastos ng halos 500-piso, yung mga nagbabakasyon o naglilibot lang sa ibang bansa kapag naisipan, yung mga lumolobo sa kagahaman at katamaran at nangangailangang uminom ng sleeping pills dahil hindi na makatulog sa sobrang pagiging insecure sa sarili at sa kanyang ka-uri.

Muli ay tama siya na silang magkakauri lamang ang magkakaintindihan at magiging komportable sa kanyang isinulat, ngunit nalilimutan niya na ang uri nila ay iilan lamang. At kapag hindi nakapag-pigil ang mga nasa ibabang uri, na siyang higit na nakararami sa bilang at lakas, o dun na lang sa mga nakasakay niyang mga OFW sa eroplano, ay malamang hindi lang laslas sa pulso ang makukuha niya.

Ang mga ibang bloggero na nagbigay ng kanilang mga reaksyon:

Jae, Ailee, Arn-Arn, Selvo, Maru, Arbert, CVJ, Sparks, Nick at Pedestrian Observer

Update:

May sinimulang kampanya sa Tingog.com upang patalsikin sa kanyang posisyon bilang kolumnista sa Manila Standard Today ang balasubas walang kasing kitid ng isip at matapobreng sosyalista na si Malu Fernandez.

Kung sino man ang nais sumuporta sa kampanyang ito at labanan ang ganitong uri ng pamamahayag na lumalapastangan sa dignidad at pagkatao ng mga migranteng manggagawa (OFW) sundin lamang ang mga sumusunod na hakbang:

1. Mag email sa Manila Standard Today at hilingin ang resignasyon o ang pasibak kay Malu Fernandez.
2. Magsulat sa iyong blog tungkol sa iyong posisyon sa isyung iyo at manawagan ng suporta sa kampanya para sibakin si Malu Fernandez.
3. Huwag munang bumili ng Manila Standard Today hangga’t hindi nareresolba ang isyu.
4. Ipaalam sa mga kaanak at kaibigan ang tungkol sa isyu na ito.
5. Palaganapin ang isyu na ito upang mapagusapan.
6. Sumulat o tumawag sa mga lokal at nasyunal na pahayagan tungkol sa isyu na ito.

Kailan man hindi dapat maging sukatan ng pagkatao at dignidad ng isang tao ang materyal na yaman. Sa panahong ngayon na labis ang paghihirap ng mamamayan, lalo na ng mga migranteng manggagawa o OFW, walang lugar sa bansang ito para sa mga katulad ni Malu Fernandez.

UPDATE:

Nagbitiw na raw sa kanyang posisyon sa Manila Standard Today at People Asia si Malu Fernandez. Mabuti kung ganoon. Marami ang nagsasabi na hindi dapat magsaya ng lubusan ang blogosphere at akuin ng lahat ang glorya ng tagumpay na ito. Sa aking pagtingin, ang tagumpay na ito ay para sa lahat nang hindi sang-ayon sa mga isinulat ni Bb Fernandez.

May ilang nagsasabi na ang mga ibang kritiko ni Bb. Fernandez ay naging hipokrito sa kanilang mga reaksyon at aksyon. Yung tipong “bago mo punahin ang uling sa mukha ng iba ay siguraduhing wala munang uling sa sarili mong mukha.”

Balikan natin ang kwento kung saan sinabi ni Kristo, “Kung sino man ang walang pagkakasala, ay siyang unang pumukol ng bato.” Walang nambato diba? Ngunit dahil tayo ay may pare-parehong bahid ng dumi ay magsasawalang-bahala na lang tayo? Hihintayin pa ba nating may isa sa ating maging tuluyang malinis bago balikan ang pagtuturo ng mga uling sa ating sarili? Papano na lang kung hanggang sa katapusan ng panahon ay walang luminis, kahit isa? Papaano na tayo?

Ang punto dito ay sama-sama tayong magturuan ng dumi sa ating mga sarili. Kumbaga pupunahin ko ang iyong dumi at ganoon ka naman sa akin. Nang sa ganoon ay sama-sama at sabay-sabay tayong luminis at makawala sa mga dumi.

Nakakalungkot man, ang mga paraang marumi ang tanging paraan para mapansin ng ating pinupuna ang kanilang pagkakamali, dahil tanging yaong bagay na lang ang kanilang nakikita o nauunawaan.

Kailan hindi dumanak ang dugo sa tuwing may sanggol na isinisilang?

Dahil tapos na ang isyung ito, at para maisawan na rin ang iba pang bagay na hindi maganda o tama, sarado na ang pagkokomento sa artikulo na ito.

Have anything to add?

Loading Facebook Comments ...
Loading Disqus Comments ...
12 Comments
More in Technology (1 of 159 articles)