A prayer for Joseph Michael G. Racoma+
This blog will be on an extended silence as I join the Racoma family and all their friends, (on-line and off-line) and colleagues as we mourn and pray for the eternal repose of their son, Joseph Michael G. Racoma who passed away last October 3, 2007.
Strength and courage to face a new chapter in their lives while they cherish the memories of the loved now lost, I wish for them. In closing, I share a passage from the Holy Bible of which I find solace in this heavy and trying times.
May Kanya-kanyang Panahon
(Mangangaral 3:1-8)
Ang lahat ng pangyayari sa daigdig ay nagaganap sa panahong itiknada ng Diyos.
Ang panahon ng pagsilang at
panahon ng pagkamatay;
Ang panahon ng pagtatanim at
panahon ng pagbunot ng tanim.
Ang panahon ng pagpatay at
panahon ng pagpapagaling;
Ang panahon ng paggiba at
panahon ng pagtatayo.
Ang panahon ng pagluha at
panahon ng pagtawa;
Ang panahon ng pagluluksa at
panahon ng pagdiriwang.
Ang panahon ng pagkakalat ng mga
bato at panahon ng pagtitipon sa
mga ito;
Ang panahon ng pagyayakap at
panahon ng paglalayo.
Ang panahon ng paghahanap at
panahon ng pagkawala niyon;
Ang panahon ng pag-iingat sa isang
bagay at panahon ng pagtatapon.
Ang panahon ng pagpunit at
panahon ng pagtahi;
Ang panahon ng pagtahimik at
panahon ng pagsasalita.
Ang panahon ng pagmamahal at
panahon ng pagkapoot;
Ang panahon ng digmaan at
panahon ng kapayapaan.
I’ll back soon. Blessings to all, especially Sir J Angelo his family and Mam Dine and the rest of Racoma family.











