Sinabi ni Dr. Patch Adams, (totoong doctor siya ha, hindi lang pelikula ni Robin Williams) “Our jobs as doctors are not to prolong death but to improve the quality of life. Why are we so mortaly afraid of death? Isn’t that the natural order of things? Why can’t we face death and treat it with human decency and God forbid even humor?”
Gulay na yung kamag-anak mo pero buhay at may tibok pa naman ng puso at sabi ng makina ay humihinga pa naman siya, yan ba ang gusto mong kalidad ng buhay ng kamag-anak mo o ng isang pasyente sa kabilang kama?
Hawig din ito ng mercy killing, kung ang bata sa mas maagang panahon ay makikitang may depekto sa katawan, malubhang karamdaman na magpapahirap lang sa kanya kapag siya ay iniluwal sa mundo at hindi na ito magagawan ng paraan, mas mabuti pang padaliin na ang kanyang buhay at matapos na ang kanyang paghihirap.
Kaya kung ayaw mo magpastimulate, di huwag.